Halos 5-M pasahero, dumagsa sa NAIA nitong Disyembre 2025

Nakapagtala ang New NAIA Infra Corp. (NNIC) ng 4.86 million na mga pasaherong dumagsa sa NAIA terminals nitong Disyembre.

Ito ay mula sa 52.02 million na mga pasaherong dumagsa sa NAIA sa taong 2025.

Ayon sa NNIC, ito ang pinakamataas na naitala sa kasaysayan ng NAIA.

Sa 4.86 million pasahero sa dumagsa sa NAIA terminals nitong Disyembre, mahigit 2.3 million dito ay international travelers, habang halos 2.5 million ang domestic passengers na naitala sa nakalipas na buwan.

Tiniyak din ng NNIC ang patuloy na pagsasaayos sa NAIA para maiwasan ang bottlenecks at para maka-accommodate ng mas maraming mga pasahero kapag peak season.

Facebook Comments