Halos 5 million doses ng COVID vaccines, dadating sa bansa ngayong weekend

3 million doses ng Sinovac vaccines mula China ang dadating sa bansa mamayang bago mag-alas-6:00 ng gabi.

Ito ay bahagi pa rin ng binili ng pamahalaan ng Pilipinas sa Tsina.

Alas-9:00 naman ng umaga bukas, dadating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 ang 582,500 doses ng AstraZeneca vaccines sakay ng China Airlines.


Sa Sabado naman August 21, isang million doses ng Sinovac vaccines ang dadating sa NAIA 2 sakay ng Philippine Airlines.

Kagabi, una nang dumating sa bansa ang halos 400,000 doses ng Pfizer vaccines.

Facebook Comments