Halos 5 sa 10 Pilipino, naniniwalang gaganda ang kalidad ng kanilang buhay sa susunod na 12 buwan – SWS survey

Halos lima sa sampung Pilipino ang naniniwalang gaganda ang kalidad ng kanilang buhay sa susunod na 12 buwan.

Ito ang lumabas sa survey ng Social Weather Stations kung saan pinakamataas iyan mula nang magsimula ang COVID-19 pandemic.

Batay sa survey na isinagawa noong Disyembre 12 hanggang 16 2021, 45% mula sa 1,440 respondents ang umaasa ng mas magandang buhay sa loob nang isang taon.


Mas mataas ito kumpara as 33 % na nakuha sa kaparehong survey na isinagawa naman noong Setyembre 2021 at pinakamataas mula sa pre-pandemic level na 48% noong Disyembre 2019.

Samantala, bumaba naman sa 3% mula sa 7% ang bilang ng mga nagsasabing mas lalala pa ang kanilang pamumuhay sa susunod na isang taon.

42% ang nagsabing walang mababago at 9% ang hindi nagbigay ng sagot sa survey.

Facebook Comments