Halos kalahati ng pamilyang Pilipino ang ikinokonsidera ang kanilang sarili na mahirap.
Sa survey ng Social Weather Stations (SWS), 48% ng pamilyang Pilipino ang nagsabing sila ay mahirap.
Nasa 23% naman ang nagsabing sila ay hindi mahirap habang nasa 29% ang naghayag na sila ay nasa borderline poor.
Lumalabas sa survey na 7% ang newly poor, 4.1% ang usually poor, at 36.2% ang always poor.
Mula sa 12 milyong mahirap na pamilya noong Hunyo 2021, nasa 1.8 million ang newly poor, 1 million ang usually poor, at 9.1 million ang always poor.
Nasa 32% ng pamilyang Pilipino ang nagsasabing sila ay ‘food-poor’, 29% ang non-food poor at 38% ang borderline food poor.
Ang survey ay isinagawa mula June 23 hanggang 26, 2021 sa pamamagitan ng face-to-face interview sa 1,200 respondents sa buong bansa.