Umabot sa halos 50 estudyante ang isinugod sa ospital matapos mabiktima ng food poison sa Imus, Cavite.
Ito ay mga estudyante ng Imus Institute of Science and Technology Dimasalang Campus.
Ayon kay Our Lady of the Pillar Medical Center President, Dr. Gima Ancieto – dinadaing ng mga estudyante ang sintomas ng pagdudumi, pagkahilo, pagsusuka at pananakit ng tiyan.
Acute gastroenteritis ang unang diagnosis sa mga pasyente.
Ayon sa pamunuan ng paaralan, 42 ang idinala sa Our Lady of the Pillar Medical Center at apat sa Medical Center Imus.
Sampung estudyante ang na-admit habang 35 ang na-discharge na.
Posibleng galing sa mga inumin sa canteen ng eskwelahan ang dahilan ng food poisoning.
Kinansela ng eskwelahan ang kanilang klase at isinara ang canteen ngayong araw para maimbestigahan ang insidente.