Patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga nasasangkot sa road crash ngayong holiday season.
Batay sa datos ng Department of Health, mula December 21 hanggang alas-5 ng hapon ng December 31, 2025, umabot na sa 49 ang kabuuang kaso ng road crash incidents.
Noong mismong December 31, may naitala pang apat na dagdag na kaso.
Sa tala ng DOH, pinakaapektado ang edad 20 hanggang 24 anyos, at mahigit siyamnapung porsyento ng mga nasangkot ay kalalakihan. Tatlo naman ang naitalang nasawi mula sa kabuuang bilang ng kaso.
Ayon sa DOH, ang mga datos ay mula sa mga pampubliko at pribadong ospital, provincial health offices, at sa online injury surveillance system ng ahensya.
Muli ang paalala ng mga awtoridad: maging maingat sa pagmamaneho, umiwas sa pag-inom ng alak bago bumiyahe, at sundin ang mga batas trapiko, lalo na ngayong dagsa ang mga sasakyan sa kalsada. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










