Aabot sa 50 mga mangingisda ang nailigtas ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) sa kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Jolina sa lalawigan ng Samar at Leyte.
Ayon kay PNP Chief General Guillermo Eleazar, ginamit ng Sto. Niño Police Station ang kanilang patrol boat at iba pang rescue equipment para iligtas ang ilang mangingisda.
Nagpaabot naman ng paghanga at pagsaludo si Eleazar sa kaniyang mga tauhan at sinabing ikinararangal at ipinagmamalaki niya ang kabayanihan ng mga ito.
Samantala, bukod sa mga nailigtas, may 4 na bangkay din na nakarekober ang mga otoridad.
Facebook Comments