Halos 50% ng ACMs, hawak na ng COMELEC para sa 2025 midterm elections

Inihayag ng Commission on Elections (COMELEC) na nasa kalahati na ang bilang ng automated counting machines (ACM).

Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, ngayong araw ay 7,488 ACMs ang dumating na tinanggap ng kanilang mga tauhan.

Ito na ang ikatlong batch ng ACMs na dumating kung kaya’t nasa 63,480 na ang kabuuang hawak ng COMELEC.


Nabatid na nagsimulang dumating ang mga ACM noong buwan ng Agosto at Setyembre.

Kaugnay nito, nasa 47,140 na ACM pa ang inaabangan ng COMELEC na kanilang gagamitin para sa 2025 midterm elections.

Kaninang umaga naman ay nagsagawa ng walkthrough ang COMELEC para sa venue ng Local Source Code Review (LSCR) at Data Center 3 sa Circuit Corporate Center One sa Makati City.

Facebook Comments