Umaabot pa lamang sa 49% ng kabuuang bilang ng mga kama sa lahat ng ospital sa bansa na nakalaan sa mga pasyenteng may COVID-19 ang okupado.
Ito ang pahayag ng Department of Health (DOH) kasunod ng ulat na nasa siyam na ospital sa Metro Manila, Bataan, Laguna, at Rizal Provinces ang naabot na ang full capacity para sa mga COVID-19 patients.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nasa “warning zone” pa lamang ang sitwasyon.
Ibig sabihin, ang kasalukuyang health system ay nasa normal capacity pa.
Mayroong 14,945 COVID-19 dedicated beds sa pampubliko at pribadong ospital sa bansa at 49% dito ang okupado.
Pero aminado ang DOH na nasa 32,252 beds ang kailangan ng bansa para sa mga COVID-19 patients.
Facebook Comments