Halos 50 patay sa banggaan ng dalawang bus sa Ghana

Umabot na sa halos 50 ang patay makaraang magsalpukan ang dalawang commercial buses sa Northern Ghana.

Ayon kay Ghana Police Service Spokesperson David Eklu, nangyari ito sa main highway sa pagitan ng Kintampo at Tamale.

Bilang nagliyab ang bus pagkatapos ng banggaan.


Kapwa lulan ng halos 100 pasahero ang dalawang bus at inaasahang madadagdagan pa ang bilang ng mga nasawi.

Patuloy ang assessment ng pulisya sa crash site.

Inabisuhan na rin ang pamilya at kaanak ng mga biktima.

Facebook Comments