Halos 500 BuCor inmates, namatay mula nitong Enero

Aabot sa halos 500 inmates sa mga pasilidad ng Bureau of Corrections (BuCor) ang namatay mula nang magsimula ang taong 2020.

Batay sa datos ng BuCor, 476 Persons Deprived of Liberty (PDL) ang namatay mula Enero hanggang Hulyo 19, kabilang dito ang mga namatay sa COVID-19 at hindi.

Ang BuCor ay mayroong pitong pasilidad sa buong bansa pero ang COVID-19 cases ay naitala lamang sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa at Correctional Institution for Women sa Mandaluyong.


Bago ito, inanunsyo ng Department of Justice (DOJ) nitong Hulyo 14 na nakapagtala ang BuCor ng 343 COVID-19 cases, 323 ang gumaling at 18 ang namatay nang magsimula silang mag-monitor nitong Marso.

Facebook Comments