HALOS 500 HALAL NA LINGKOD-BAYAN SA PANGASINAN, OPISYAL NANG NANUNGKULAN

Pagpatak ng alas dose ng tanghali noong June 30, 2025, opisyal nang nag-umpisa ang tungkulin ng mga bagong halal na opisyal sa iba’t ibang posisyon sa buong Pilipinas.

Sa Pangasinan, aabot sa halos 500 ang naupo mula Gobernador hanggang sa mga konsehal sa 4 na lungsod at 44 na bayan.

Dahil dito, umaasa ang mga pangasinense na magkaroon ng pagbabago o kahit papaano ay maituloy ang mga programang nasimulan.

Ayon sa isang Pangasinenses, inilahad nito na sana ay mabigyan ng serbisyong panghanapbuhay ang bawat Pilipino lalo na iyong mga nasa laylayan.

Ang iba naman, hiling na maituloy ang libreng serbisyong medikal.

Inilahad naman ni COMELEC Region 1 Acting Regional Director sa mga bagong upong opisyal na tuparin nila ang kanilang mga pangako sa publiko dahil ito ay pinaniwalaan ng mga bumoto sa kanila.

Nagpapaalala naman ang mga institusyon tulad ng UP National College of Public Administration and Governance ukol sa mga binitawang pangako gayundin sa pananagutan ng mga opisyal sakaling hindi nila tuparin ang kanilang tungkulin at mga pangako. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments