Aabot sa 487 families o katumbas ng 1,867 indibidwal ang nag preemptive evacuation dahil sa walang tigil na pag-ulan sa ilang lugar sa Region 3, MIMAROPA at National Capital Region.
Ito ay batay sa pinakahuling monitoring ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC epekto pa rin ng nararanasasang tropical storm Hanna na pinalakas ng hanging habagat.
Batay sa datos na inilabas ng NDRRMC, nag- preemptive evacuation sa Zambales ang 172 pamilya o 768 indibidwal.
Sa Occidental Mindoro, 200 pamilya o 655 katao at sa apat na lungsod sa NCR partikular ang Las Piñas, Parañaque City, Taguig at Manila ay may 115 pamilya o 444 katao ang nag- preemptive evacuation.
Ginawa nila ang preemptive evacuation sa takot na tumaas ang tubig baha dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan.
Samantala 20 domestic flights naman ang na-monitor ng NDRRMC na nagkansela ng biyahe dahil sa sama ng panahon.