Halos 500 pamilya sa Pasig City, inilkas na rin

Umabot na sa halos 500 na mga pamilya ang inilikas sa Pasig City dahil sa mga pagbaha.

Batay sa pinakahuling datos ng Pasig PIO, nasa 492 na pamilya o 1,948 na mga indibidwal ang kasalukuyang tumutuloy sa 19 na evacuation centers sa lungsod.

Nanawagan din ang Pasig LGU sa mga residente na nasa mababang lugar na lumikas na lalo ang mga nasa Barangay Santolan, Dela Paz, Maybunga, at ilang lugar sa Manggahan.


Tiniyak naman ng lokal na pamahalaan na may sapat mga pagkain at pangangailangan ng mga nasa evacuation center.

Samantala, nag-deploy rin ang Pasig LGU ng service vehicles upang mag-ikot sa lungsod para sa mga stranded dahil sa baha.

Maaari namang tumawag sa Pasig Emergency Hotline na 8643-0000 kung kinakailangan.

Facebook Comments