Nakiisa ang nasa 495 persons deprived of liberty (PDL) sa pamahalaan upang makilahok sa programa ng gobyerno para sa food security program matapos ang pagtataas ng presyo ng bigas at mga pangunahing bilihin sa mga pamilihan.
Ayon kay Bureau of Corrections (BuCor) Chief General Gregorio Pio Catapang Jr., matapos na matanggap ang report na isinumite sa kanya ni Iwahig Prison ang Penal Farm (IPPF) Superintendent Gary Garcia, na 300 PDLs mula sa medium security at 195 mula naman sa minimum security ang inilabas ng mga kulungan para sa pagtatanim sa dalawang hektarya na pag-aari ng BuCor bilang bahagi ng Reformations Initiative for Sustainable Environment (RISE) na proyekto para sa food security.
Dagdag pa ni Catapang ito ay bahagi ng nilagdaang Memorandum on Agreement (MOA) sa pagitan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., Department of Justice (DOJ) at Department of Agriculture (DA).
Samantala, kumpiyansa rin si BuCor chief na magiging resulta rin ito para muling maibalik ang pag-export ng mga agricultural product sa ibayong-dagat kung mapapalawig ang sakahan sa bansa.