Halos 500 Pinoy, nakauwi na sa Pilipinas mula sa gulo sa Sudan

Nailikas na nang pamahalaan ang 474 o halos 500 mga Pinoy mula sa gulong nangyayari sa bansang Sudan.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Department of Foreign Affairs -Migrant Workers Affairs Asec. Paul Cortes, may 864 na nakarehistrong Pinoy na naninirahan sa Sudan.

Sa bilang na ito aniya 730 ang nakaalis si Khartoum Sudan kung saan nagpapatuloy ang gulo.


Sa 730 na Pinoy na nakalikas, 474 ang nakauwi na dito sa Pilipinas habang ang ibang Pinoy na inilikas mula sa Khartoum Sudan ay nasa Cairo, Egypt ngayon at nakatakdang bumiyahe patungong Port Sudan bago sasakay nang barkong pinagamit ng Saudi Arabia para tumungo naman sa Jeddah at pagdating sa Jeddah bago sasakay ng eroplano pabalik dito sa Pilipinas.

Ayon pa kay Cortes, ilan sa inilikas na Pinoy ay parating bukas at sa susunod na araw sa pamamagitan ng commercial flights.

Hindi naman aniya agad makakauwi ang mga Sudanese na asawa ng Pinoy dahil kakailanganin pa ng visa para makarating dito sa bansa.

Sa ngayon isa ito sa tinutukan ng Philippine Embassy sa Cairo upang makasama ang mga Sudanese nang kanilang pamilya pauwi dito sa Pilipinas.

Una nang tiniyak ng pamahalaan na makakatangap ng tulong ang mga Pinoy na inilikas mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Department of Migrant Workers o DMW.

Facebook Comments