HALOS 500 POLICE PERSONNELS SA REGION 1, INAASAHANG BOBOTO SA LOCAL ABSENTEE VOTING

Sinimulan na kahapon ang Local Absentee Voting sa bansa para sa National and Local Elections 2025 kung saan pinahihintulutan ang maagang pagboto ng mga kawaning maglilingkod ng tungkulin sa araw ng halalan tulad ng mga kawani sa Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines, Commission on Elections, iba pang ahensya at Media.

Sa Region 1, pinangunahan ng Police Regional Office 1 ang Local Absentee Voting sa mga kapulisan, sa pangangasiwa ni COMELEC Acting Regional Election Director, Atty. Reddy C. Balarbar.

Kabuuang 491 na mga absentee voters ang nakapagparehistro sa LAV at nakatakdang bumoto hanggang sa ika-30 ng Abril.
Apat na lugar ang ginawang venue upang makaboto ang mga naturang pulis sa rehiyon na kinabibilangan ng

PRO1 Regional Headquarters Auditorium sa San Fernando City La Union

Multi-Purpose Bldg sa Ilocos Norte PPO

Camp Pres. Elpidio R. Quirino, Bulag sa Bantay Ilocos Sur

Magilas Multi Purpose Hall sa Pangasinan PPO

Ang mga pinagbotohang balota ay isisilid sa selyadong envelope at sabay-sabay itong bubuksan at bibilangin gabi ng May 12, 2025.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments