Pumalo na ngayong araw sa 98,232 ang COVID-19 cases sa bansa matapos madagdagan ng 4,963 na bagong kaso.
Gayunman, mahigit 1/3 lamang dito ang active cases o 30,928 active cases.
Siyamnapu’t tatlo (93) naman ang panibagong nakarecover kaya ang total recoveries ngayon ay 65,265.
Labing pito (17) ang panibagong mga binawian ng buhay kaya ang total deaths ngayon ay 2,039.
Samantala, 84 pang mga Pilipino sa US, Asia and the Pacific at Europe ang nadagdag sa bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa abroad.
Bunga nito, umabot na sa 9,556 ang bilang ng mga Pinoy mula sa 71 na mga bansa ang tinamaan ng COVID-19.
3,313 sa naturang bilang ang active cases.
Pinakamarami pa ring mga Pinoy na tinamaan ng virus ay mula sa 27 na mga bansa sa Middle East at Africa na umaabot na sa 6,770.
Panibagong 41 naman na mga Pinoy sa ibayong dagat ang gumaling sa nasabing sakit kaya umabot na ngayon ang total recoveries sa 5,572.
Lima namang mga kababayan natin sa US, Middle East at Africa ang binawian ng buhay dahil sa COVID kaya umabot na ngayon ang total deaths sa 671.