Nasa halos 5,000 ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) ang nakaranas ng pagmaltrato noong nakaraang taon at pinakaraming kaso nito ay sa Middle East.
Ito ay batay sa report ng Philippine Overseas Labor Offices (POLO) na tinalakay sa pagdinig ng Committee on Labor na pinamumunuan ni Senator Joel Villanueva ukol sa panukalang pagtatag ng Department of Overseas Filipinos (DOFIL).
Base sa report, sa Middle East ay 4,302 ang mga OFWs na minamaltrato at hindi tinrato nang maayos, 209 naman ang biktima ng sexual abuse at harassment habang 31 ang ginahasa.
Ang Asia naman ay may naitalang 593 OFWs na minaltrato, 51 ay hinalay at 35 ang dumanas ng sexual abuse o harassment.
Sa Europe at America naman, 86 ang naitalang minaltrato, 3 ang hinalay at 32 ang dumanas ng sexual abuse at harassment.1
Ipinaliwanag naman ng DFA na kahit may bilateral labor agreement ang Pilipinas at ibang mga bansa ay hindi pa rin nila makontrol ang mga kaso ng pag-abuso dahil ito ay nangyayari sa loob ng bahay kung saan namamasukan ang biktimang OFW.
Binanggit din ng DFA na may mga bansa sa middle east kung saan ang mga household service worker ay hindi kasama sa reporma sa labor laws katulad ng kafala system at abolition ng exit visa.