Ayon sa ibinahaging datos ni Ginoong Paul Bacungan, ang Information Officer ng lungsod, ang mga apektado ay mula sa 12 barangay na kinabibilangan ng Fugu partikular sa purok dos, Cabisera dos, tres, syete, nuwebe-onse, sais-bente quatro, disi syete bente uno, bente tres, Agassian partikular sa purok uno, Paliueg, Nanaguan, at Capo.
May naitala rin na 1,074 na pamilya ang nailikas kung saan ang 309 rito ay kasalukuyang nasa 30 Evacuation Center sa siyudad.
Samantala, nitong ika-31 ng Oktubre ay nagsagawa na rin ang lokal na pamahalaan ng Ilagan City ng distribution of relief packs sa mga Barangay na naapektuhan ng nasabing baha.
Ilan sa mga nahatiran ng tulong ay sa barangay Sindon Bayabo, Alibagu, Bagumbayan, Sta. Barbara , Baculud, Osmena, Calamagui 1st, San Felipe, Sto. Tomas, San Felipe and Baligatan, at Guinatan.
Samantala, ayon pa kay Ginoong Paul Bacungan, magpapatuloy aniya ang pamamahagi ng mga relief packs sa lahat ng apektadong residente ng syudad lalo na sa mga Isolated Barangay sa lalong madaling panahon.