Aabot sa 4,930 na mga pasahero, truck drivers at cargo helpers ang naitalang stranded ng Philippine Coast Guard (PCG) sa mga pantalan sa bansa bunsod ng Bagyong Pepito.
Bukod dito, nasa 1,094 na rolling cargo, 19 vessels at 17 motorbancas ang stranded kung saan 53 na pantalan ang apektado dahil sa naturang bagyo.
Nasa 267 na vessels at 174 na motorbanca ang pansamantalang dumaong o nakisilong sa ibang mga pantalan upang maging ligtas.
Ilan naman sa mga naapektuhang pantlaan ay mula sa Bicol Region, Southern Tagalog, Eastern Visayas, Central Visayas at Western Visayas.
Patuloy na naka-monitor ang PCG sa sitwasyon kasabay ng pagtulong sa mga nangangailangan at paghahatid ng mga relief goods.
Facebook Comments