Halos 5,000 pulis, ipinakalat na ng MPD ilang araw bago ang eleksyon

Aabot sa halos 5,000 pulis ang ipinakalat na ng Manila Police District (MPD) tatlong araw bago ang 2022 national and local elections.

Ayon kay Police Lt. Col. Julius Añonuevo, Commander ng District Mobile Force Battalion, handa na ang kanilang pwersa para masiguro ang maayos, tahimik at tapat na eleksyon sa May 9, 2022.

Bilang tugon dito, Miyerkules pa lamang ay nasa full alert status na ang MPD para agad na ma-monitor ang sitwasyon sa lungsod ng Maynila.


Nag-deploy na rin sila ng mga tauhan sa ilang lugar na tinatawag na areas of concern.

Nagdagdag na rin sila ng mga tauhan sa kada checkpoint at 24/7 rin ang ginagawang pag-iikot ng mga tauhan ng MPD.

Sinabi pa ni Añonuevo, ang mga tauhan ng District Mobile Force Battalion ang magiging suporta sa mga istasyon ng MPD at tutulong rin na magbantay sa 87 polling precinct sa lungsod ng Maynila.

Facebook Comments