Halos 50,000 indibidwal, inilikas dahil sa epekto ng Bagyong Auring ayon sa NDRRMC

Nananatili pa rin sa mga evacuation center ang marami sa mga pamilya na apektado ng pananalasa ng Bagyong Auring.

Batay ito sa monitoring ng NDRRMC ngayong umaga, 12,825 na mga pamilya o katumbas ng 49,236 na indibidwal ang nanunuluyan pa rin pansamantala sa 308 evacuation center.

450 pamilya o katumbas ng 1,720 indibidwal naman ang nanatili ngayon sa kanilang mga kamag-anak at kaibigan.


Ang mga indibibdwal na ito ay mula sa mga iba’t ibang lalawigan sa rehiyon ng Central Visayas, Eastern Visayas, Bicol at Caraga.

Samantala, sinabi pa ng NDRRMC na 179 na mga bahay na ang napinsala ng bagyo.

Bukod ito, 5 pangunahing kalsada at 1 tulay rin ang naapektuhan.

Wala namang nabanggit na nasawi o nawawala dahil sa pagbaha na dulot ng bagyo.

Facebook Comments