Halos 50,000 kandidato sa local positions, naghain ng kandidatura

Halos 50,000 kandidato ang naghain ng Certificate of Candidacy (COC) sa loob ng walong araw na itinakda ng Commission on Elections (COMELEC).

Sa pagkakongresista, 733 ang naghain ng COC habang 281 sa pagkagobernador.

Sa bise gobernador naman ay 226 at sa sangguniang panlalawigan ay 1,951.


Sa pagka-alkalde ay 4,486 ang naghain ng COC, sa vice mayor ay 3,968.

Habang sa sangguniang bayan o panlungsod ay 35,636.

Inaasahang tataas pa ang bilang na ito sa sandaling makapagpalabas na ang COMELEC
ng pinal na listahan.

Facebook Comments