Halos 50,000 Pinoy seafarer, posibleng mawalan ng trabaho

Umabot sa 49,460 Filipino seafarers ang posibleng mawalan ng trabaho kung mabibigo ang bansa na makasunod Standards of Training, Certification, and Watchkeeping for Seafarers o STCW Convention ngayong taon.

Sinabi ito ni Department of Migrant Workers Assistant Secretary Jerome Pamplona sa briefing ng House Committee on Overseas Workers Affairs na pinamumunuan ni Kabayan Party-list Representative Ron Salo.

Ayon kay Pamplona, hindi pa nakapapasa ang Pilipinas sa audit ng European Maritime Safety Agency (EMSA) mula noong 2006 dahil 13 shortcomings at 23 grievances ang nakita nito sa evaluation na ginawa sa pag-aaral at pagsasanay ng mga seafarer sa bansa.


Paliwanag ni Pamplona, kung hindi kikilalanin ng EMSA ang mga magtatapos na maglalayag sa bansa ay hindi makakasakay ang mga ito sa mga barkong pumupunta sa European Union.

Facebook Comments