Halos 500,000 mga bata, biktima ng online sexual abuse — DOJ

Umaabot sa halos 500,000 batang Pilipino ang biktima ng online sexual abuse at pagsasamantala ng mga dayuhan noong 2022.

Ito ang ibinahaging datos ng Department of Justice (DOJ) at European Union sa kanilang pagpupulong katuwang ang ibang ahensiya ng gobyerno.

Kaugnay nito, napagkasunduan nila na mas lalo pang palakasin ang mga hakbang laban sa online sexual abuse at protektahan ang mga bata.

Sinabi ni Assistant Secretary Michelle Anne Lapuz ng DOJ na may progreso sa kooperasyon, ngunit marami pang kailangang gawin para matigil ang pang-aabuso.

Tinatalakay rin sa pag-uusap ang mga hamon tulad ng paghawak ng digital na ebidensya at mga batas na kailangang isaayos.

Bukod dito, nagkasundo rin ang EU at Pilipinas na mas palakasin ang pagtutulungan para tuluyang wakasan ang online sexual exploitation ng mga bata.

Facebook Comments