
Umabot na sa halos kalahating milyong tao ang apektado ng pinagsamang epekto ng southwest monsoon at mga Bagyong Mirasol, Nando, at Opong sa Western Visayas.
Sa pinakahuling datos ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC) VI, kabuuang 461,404 na mga indibidwal ang apektado ng kalamidad o katumbas ng 129,345 na mga pamilya.
Sa nasabing numero, 2,531 na mga pamilya o katumbas ng 8,702 na mga indibidwal ang pumunta sa 164 na evacuation centers.
Wala namang naitalang fatality na maiuugnay sa bagyo.
Samantala, 1,639 na mga pamamahay mula sa Aklan, Antique, Capiz, Iloilo, at Guimaras ang nasira, kung saan 1,574 ang partially damaged at 65 ang totally damaged.
Sa agrikultura naman, umaabot sa P1,721,087 ang halaga ng pinsala na dulot ng hindi magandang panahon.









