
Ayon sa Office of Civil Defense, aabot sa halos 54 na mga probinsya sa bansa ang maaaring maapektuhan ng Bagyong Uwan.
Sa huling tala naman ng ahensya, nasa mahigit kumulang 5.7 milyong indibidwal malapit sa baybayin ang exposed sa banta ng nasabing bagyo.
Habang nasa 61.6 milyong indibidwal naman ang makakaranas ng nasabi pa ring banta sa mga lugar na madadaanan ng Bagyong Uwan.
Binigyang diin naman ng ahensya na kailangang maintindihan ng publiko na ang bagyong ito ay napakalakas at maaaring maging super typhoon kung kayat ang lahat ay pinaghahanda sa pagdating nito.
Bukod dito ay nagabiso na rin ang ahensya sa posibleng pagsasagawa ng preemptive shutdown sa mga kuryente para na rin sa kaligtasan ng lahat lalo na at inaasahan ang malawakang pagbabaha sa maraming lugar.
Pinapayuhan na maghanda rin ng mga flashlight na pwedeng gamitin at ang radyo na magsisilbing komunikasyon para makasagap pa rin ng mga balita at impormasyon mula sa pamahalaan.










