HALOS 57K PIRASO NG FACEMASK, IPINAMAHAGI SA ALAMINOS CITY SA ILALIM NG “LIBRENG MASK PARA SA MASA” PROJECT

Ipinamahagi sa mga residente sa lungsod ng Alaminos ang nasa 56, 774 na piraso ng face mask mula sa Department of Social Welfare and Development Field Office 1 sa ilalim ng proyektong ‘Libreng Mask Para sa Masa’.

Alinsunod sa inisyatibo ng pamahalaang nasyonal ay naipaabot ito at tinanggap ng Pamahalaang Panlungsod mula sa nasabing ahensya.

Layon nitong mabigyan ng face mask na siyang proteksyon sa banta ng COVID-19 ang mga komunidad sa bansa para mapaigting pa ang pag-iingat laban sa nakamamatay na sakit.


Nagpasalamat naman ang LGU at ang City Social Development Office kasabay sa pagtanggap nito.

Facebook Comments