Halos 6 milyong pisong halaga ng hinihinalang shabu, nasabat sa Makati

163

Arestado ang apat na katao sa ikinasang buy bust operation ng Makati Police sa Kalayaan Ave., Brgy. West Rembo, Makati City.

Kabilang sa naaresto sina Marivic Delacuesta, 36-anyos, Daryl Ace Parung, 29-anyos, Jamail Bura, 37-anyos, at Frank Lawrence Dela Cruz,18-anyos, pawang mga residente ng Lungsod ng Maynila.


Ayon sa Makati Drug Enforcement Unit, nasa P600,000 na buy bust money ang ginamit sa transaksyon ng mga suspek sa Barangay West Rembo.

Matapos magkapalitan ng droga at pera, agad inaresto ang mga suspek.

Kabilang sa nakumpiska ang 900 grams na hinihinalang shabu na may street Value na higit 6 milyong piso.

Narekober sa mga suspek ang kanilang mga cellphone at mark money.




Nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag Republic Act 9165 o Comprehesive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments