Halos 6 na milyong doses ng bakuna, darating sa bansa simula ngayong araw hanggang sa Sabado

Inaasahan ang tuluy-tuloy na pagdating ng mga bakuna kontra COVID-19 sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, kanina ay dumating na ang 194,400 doses ng Moderna at 56,400 doses na binili ng pribadong sektor.

Bukas naman aniya ay darating sa bansa ang 1,150,800 doses ng AstraZeneca na binili ng pamahalaan at ng pribadong sektor.


Bukas din ang dating ng 1,606,600 doses single shot vaccine na Johnson & Johnson na donasyon ng US government sa pamamagitan ng COVAX Facility.

Habang sa July 17, Sabado inaasahang ang pagdating ng mga biniling Sinovac vaccines na aabot sa 1.5 million doses.

Sa Sabado rin ang pagdating ng natitirang 1.6 million doses ng Johnson & Johnson na donasyon ng US sa bansa.

Facebook Comments