Halos 60 aftershocks, naitala kasunod ng magnitude 6.1 na lindol

Umabot na sa 40 na mga aftershocks ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS matapos tumama ang magnitude 6.1 na lindol sa Zambales.

Ayon kay PHIVOLCS Deputy Director Bart Bautista, inaasahang tataas pa ang bilang ng mga aftershocks at posible rin itong tumagal ng isang linggo.

Nilinaw naman ni Bautista na hindi makalilikha ng tsunami ang 6.1 magnitude earthquake at nasa lupa rin ang epicenter nito.


Sabi ni Bautista, patuloy pa nilang inaalam kung anong fault line ang gumalaw na nagresulta sa magnitude 6.1 na lindol.

Pinayuhan naman ng mga opisyal ng Department of Science and Technology o DOST ang publiko na maging alerto sa epekto ng lindol.

Facebook Comments