Umabot na sa 129,228 na mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) o 58.87 percent ng kanilang buong pwersa ang naisailalim na sa RT-PCR test.
Ayon kay PNP Deputy Chief for Administration at Administrative Support to COVID-19 Operations Task Force (ASCOTF) Commander Police Lt. Gen. Guillermo Eleazar, ang pagsulong nila ng mass testing sa PNP ay para ma-detect agad ang mga kaso ng COVID-19 sa kanilang hanay at ma-isolate agad ang mga ito.
Sa kasalukuyan ay 16,614 na ang mga tauhan ng PNP ang naging infected na ng COVID-19, kung saan 13,978 ang nakarekober, 2,596 ang aktibong kaso at 40 ang nasawi.
Samantala, sinabi ni Eleazar, 4,519 ng kanilang tauhan anng nakatanggap ng first dose ng vaccine.
2,892 ang tinurukan ng Sinovac vaccine, habang 1627 ang tumanggap ng AstraZeneca vaccine.
Pero may 1,154 na tauhan ng PNP ang nakakumpleto na ng ikalawang turok ng bakuna laban sa COVID-19.