Nailikas ng Philippine Coast Guard (PCG) ang nasa 60 residente ng Taal Volcano Island sa Batangas bilang bahagi ng mahigpit na pagpapatupad ng danger zone sa gitna ng abnormal na aktibidad ng bulkan.
Matatandaang inideklara ng pamahalaan na “No Mans Land” ang bulkan.
Ayon kay PCG Captain Geronimo Tuvilla, station commander ng PCG-Batangas, nag-deploy na sila ng kanilang mga tauhan sa lugar hindi lamang para ilikas ang mga residente pero para magsagawa ng pagpapatrolya sa lugar para maiwasan ang mga tao na bumalik sa Volcano Island.
Ang mga lumikas na residente ay mananatili sa City Social Welfare and Development Office sa Talisay, Batangas habang binabantayan ang aktibidad ng bulkan.
Facebook Comments