Halos 600 estudyante na stranded dahil sa COVID-19, nakauwi na sa kanilang lalawigan ayon sa DOTR

Inihayag ng pamunuan ng Department of Transportation (DOTr) na umaabot na sa 570 na i-stranded na mga estudyante ang nakauwi na sa kanilang lalawigan sa tulong ng “Hatid Estudyante para Makabalik sa Probinsya” program.

Ayon kay DOTr Assistant Secretary Giovanni Lopez, kabilang sila sa mga hindi nakalabas sa campus ng mga apartment at dormitory nang ipatupad ang community quarantine dahil sa COVID-19 pandemic.

May 14, 2020, sinimulan ng DOTr at iba pang ahensiya ng pamahalaan ang paghahatid sa 11 stranded students mula sa Metro Manila patungo sa Central Luzon.


Nasundan pa ito ng 16 pang estudyante na hinatid sa Cagayan De Oro, 543 sa Agusan del Sur, Surigao del Norte, Agusan Del Norte, Butuan City at Dinagat Island sa CARAGA region.

Bago sila pinayagan na makauwi sa lalawigan ay sumailalim muna sila COVID-19 rapid testing.

Alinsunod sa health protocols, lahat ng estudyante na nag-negatibo sa testing ay pinayagan sa pag-uwi habang ang mga nag-positibo sa virus ay ire-refer sa quarantine facility.

Facebook Comments