Halos 600 kaso ng leptospirosis, naitala sa unang apat na buwan ng 2022

Umabot na sa 583 na leptospirosis case ang naitala ng Department of Health (DOH) mula Enero hanggang April ng 2022.

Batay sa DOH, mayroong 13.2 percent o 77 ang nasawi dahil sa leptospirosis ngayong taon.

Mas mataas ang naitalang kaso ng leptospirosis noong Marso 13 hanggang Abril 30 ngayong taon.


Ang Western Visayas ang may pinakamaraming naitalang leptospirosis case na 17 percent o 101; Metro Manila na may 13 percent o 76 at Cagayan Valley na may 12 percent o 69 na kaso.

Facebook Comments