Halos 600 na bagong kaso ng COVID-19, naitala kahapon

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 598 na panibagong kaso ng COVID-19 sa bansa kahapon.

Dahil dito, sumampa na sa 3,669,523 ang confirmed cases ng COVID-19 sa bansa kung saan 47,116 ang aktibo.

Umabot naman sa 3,565,090 ang mga gumaling sa virus habang nasa 57, 317 ang nasawi.


Batay sa DOH, 24.64% ng intensive care unit (ICU) beds para sa COVID-19 patients ang okupado sa buong bansa.

Nasa 22.04% naman ang nagagamit na isolation beds at 13.66% sa ward beds.

Facebook Comments