Wala ng na-a-admit na COVID-19 patients sa 598 hospitals sa buong bansa.
Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, 48.5 porsiyento ng mga ospital ang nag-ulat na walang bagong admission sa COVID-19 sa nakalipas na limang araw mula Disyembre 5 hanggang 9.
Aniya, 75.4 percent o 49 mula sa 65 hospitals sa Soccsksargen ay zero COVID-19 admissions.
Sinundan ito ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa 73.1 percent o 19 mula sa 26 nilang hospitals, Northern Mindanao na nasa 65.7 percent o 46 mula sa 70 hospitals.
Sa Metro Manila naman, 39.2 percent o 62 mula sa 158 hospitals ang wala ng COVID-19 patients.
Facebook Comments