Halos 6,000 kaso ng COVID-19, naitala ngayong araw

47

Aabot sa 5,823 ang nadagdag sa bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Sa datos ng Department of Health (DOH), nasa 2,745,889 na ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 66,838 o 2.4 porsyento ang aktibong kaso.


Tumaas din sa 283 ang mga nasawi ngayong araw kaya umabot na sa 41,520 ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Pumalo naman sa 2,637,531 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas matapos madagdagan ng 4,748.

Facebook Comments