Halos 6,000 pasahero, stranded sa iba’t ibang pantalan sa bansa

Aabot sa 5,832 na pasahero, driver at cargo helpers ang naitalang stranded sa mga pantalan ng Southerm Tagalog, Bicol. Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas at Northeastern Mindanao.

Ito’y bunsod ng Bagyong Verbena kung saan ang mga pasahero ay nananatili sa 81 pantalan.

Bukod dito, nasa 1,981 rolling cargoes, 123 vessels at 26 motorbancas ang apektado dahil sa sama ng lagay panahon.

Nasa 141 vessels at 53 motorbancas ang pansamantalang nakikisilong upang maging ligtas sa epekto ng bagyo.

Pinakamaraming naitalang na-stranded ay sa mga panatalan ng Southern Tagalog partikular sa Port of Lucena, Abra De Ilog Port, Maril Port, Sabang Port, Balatasan Port, Romblon Port, San Agustin Port, Looc Port at Batangas Port.

Facebook Comments