Umabot na sa humigit-kumulang 6,000 indibidwal ang nawalan ng tirahan sa Albay matapos ang pananalasa ng Bagyong Rolly.
Ayon kay Albay Governor Al Francis Bichara, lubog pa rin sa lahar at putik ang maraming kabahayan.
Sa ngayon, nasa P60 milyon na lang ang calamity fund ng probinsya para sa susunod na dalawang buwan.
Ayon sa gobernador, tiyak na kukulangin ang pondo dahil na rin sa dami ng mga residenteng nananatili pa rin sa mga evacuation center.
Kaugnay nito, muling umapela si Bichara ng dagdag-pondo sa national government gayundin ng mga dagdag na pagkain at construction materials para sa mga apektado ng bagyo.
Samantala, nakapamahagi na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng inisyal na P164,000 na halaga g relief assistance sa Albay.
Sa ngayon, wala pa ring suplay ng kuryente sa probinsya pero inaasahang maibabalik ito sa loob ng dalawang linggo.
Sapat naman ang suplay ng tubig habang nadaraanan na rin ang karamihan sa mga kalsada.