Umabot sa 1,626 pamilya o 5,936 na residente sa Quezon province ang inilikas sa evacuation center dahil sa pananalasa ng Bagyong Jolina.
Ayon kay Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council Chief Melchor Avenilla Jr., ang mga inilikas ay mula sa mga lugar na prone sa landslides, flash floods at storm surges.
Mahigpit namang naka-monitor ang local social workers at health authorities para sa pagpapatupad ng health and safety protocols para maiwasan ang hawaan ng COVID-19.
Sabi pa ni Avenilla, ikinasa na rin ang search and rescue operation sa mga residenteng nawawala dahil sa bagyo.
Facebook Comments