Halos 60,000 reklamo, isinampa kaugnay sa pamamahagi ng ECQ ayuda – Año

Nakatanggap na ang Department of Interior and Local Government (DILG) ng nasa 59,669 complaints mula sa mga indibiduwal kaugnay sa pamamahagi ng cash assistance para sa naapektuhan ng dalawang linggong enhanced community quarantine sa NCR plus noong Marso.

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, nasa 24,421 cases ang naresolba, habang 39,781 ang sumasailalim sa deliberation, kabilang ang mga inendorso sa mga kaukulang ahensya.

Target nilang resolbahin ang lahat ng reklamo bago ang deadline ng distribution sa May 15.


Sa ngayon, 74.35% ng ₱22.9 billion ng ayuda ay naipamahagi na sa higit 17 milyong indibiduwal.

Facebook Comments