Dumating na sa bansa ang karagdagang 609,570 doses ng Pfizer COVID-19 vaccines na donasyon ng Estados Unidos sa Pilipinas.
Ayon sa National Task Force (NTF) Against COVID-19, ito ang latest batch ng mga bakuna ng Pfizer na dumating sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 kagabi.
Pinasalamatan naman ni Assistant Secretary Wilben Mayor, head ng NTF Against COVID-19 sub-task group ang bagong donasyong ito ng Estados Unidos.
Mula Pebrero, nasa 129,053,970 doses na ng bakuna ang natanggap ng Pilipinas.
Sa bilang na ito, mahigit 72 million ang naiturok na kung saan 40,179,796 ang unang dose at 32,158,581 ang ikalawang dose o yung mga fully vaccinated.
Ngayong araw, inaasahang darating pa ang karagdagang 609,570 doses ng Pfizer COVID-19 vaccine.