Halos 62% ng cash aid fund para sa NCR plus, naipamahagi na – DILG

Umabot na sa 61.85% ng ₱22.9 billion ang naipamahagi sa mga mamamayang naapektuhan ng dalawang linggong pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa NCR plus bubble.

Ang bawat kwalipikadong benepisyaryo ay makakatanggap ng 1,000 pesos o maximum na P4,000 kada pamilya sa ilalim ng government cash aid.

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, nasa 14.1 billion pesos na ang naipamahagi sa mga apektadong indibidwal.


Nasa 68.51% na kumpleto ang disbursement sa Metro Manila, kasunod ang Laguna (65.76%), Rizal (56.9%), Bulacan (53%) at Cavite (47%).

Magtatagal hanggang May 15 ang pamamahagi ng one-time cash assistance para mabigyan ng dagdag na panahon ang mga Local Government Unit (LGU) na tugunan ang mga concerns sa pamamahagi ng ayuda.

Facebook Comments