Umakyat na sa higit 142 million doses ang kabuuang bilang ng COVID-19 vaccines na naiturok na ng pamahalaan sa buong bansa.
Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Communications Secretary Martin Andanar, nasa 65.8-M na indibidwal sa Pilipinas ang fully vaccinated na.
Katumbas ito ng 73.1% ng target population ng pamahalaan.
Nasa 71 million doses naman ang naiturok na ng gobyerno bilang first dose.
Habang umakyat na rin sa higit 11.9 million ang nakatanggap na ng booster shot o additional doses ng bakuna.
Samantala, sa hanay naman ng mga batang edad 5-11 yrs old, umaakyat na rin sa higit 850, 000 ang fully vaccinated na kontra COVID-19.
Facebook Comments