HALOS 67K INDIBIDWAL SA ILOCOS REGION, FULLY VACCINATED NA

20

Aabot na sa halos 67,000 na indibidwal sa Ilocos Region ang fully vaccinated ng COVID-19 Vaccine.

Ayon kay Dr. Rheuel Bobis, DOH-CHD1, Information Officer, tumataas umano ang bilang ng mga nagpapabakuna kontra COVID19 sa Ilocos Region.


Sa A1 Priority group o mga healthcare workers, 54,438 dito ang fully vaccinated, 12, 145 na mga senior citizens at 115 naman ang nakatanggap ng ikalawang dose ng bakuna sa ilalim ng A3 priority group.

Naihatid naman na ng DOH-CHD1 sa lahat ng implementing units ang 249, 010 na COVID-19 VAccine sa Ilocos Region.

Samantala, tuloy-tuloy ang isinasagawang mga aksyon ng kagawaran upang mahikayat ang mga nasa ilalim ng priority group upang makuha ang target na bilang upang turukan ng bakuna kontra COVID-19.

Facebook Comments