Nasa halos pitong batang babaeng may edad 14-anyos pababa ang nanganganak kada araw.
Ayon sa Commission on Population (PopCom), noong 2019, nasa 2,411 na batang babae na ikinokonsiderang young adolescents na may edad 10 hanggang 14 ang nagsilang ng sanggol.
Tatlong beses itong mas mataas kumpara sa naitala noong taong 2000 na nasa 755 cases lamang.
Bukod dito, tumaas ng pitong porsyento ang bilang ng mga batang babae sa nasabing age group ang nabuntis – mula sa 62,341 noong 2018 sa 62,510 sa 2019.
Karamihan sa teenage mothers ay naitala sa CALABARZON (8,008 births), kasunod ang National Capital Region (7,546) at Central Luzon (7,523).
Sa iba pang probinsya, ang Central Visayas ay may maraming naitalang batang ina (4,541), Northern Mindanao (4,747) at Davao region (4,551).
Sabi ni PopCom Executive Director Juan Antonio Perez III, kasama nila ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pagsasagawa ng social protection program para sa adolescent mothers na bahagi ng hakbang ng gobyerno na maresolba ang nakakaalarmang teenage pregnancy.