Mayorya ng mga Pilipino ang naniniwalang bumuti ang sektor ng imprastraktura sa ilalim ng Duterte administration.
Base sa survey ng Pulse Asia, 69% ng mga respondents ang nagsabing gumanda ang imprastraktura sa kasalukuyang panahon kumpara sa mga nagdaang administrasyon.
Nasa 29% naman ang nagsabing ‘sakto lang’ ang imprastraktura sa ilalim ni Pangulong Duterte, dalawang porsyento ang hindi makapagpasya, habang isang porsyento ang nagsabing lumala.
Pinakamaraming nagsabing mayroong ‘better infrastructure programs’ ang administrasyong Duterte ay sa Mindanao (85%), kasunod ang NCR (62%), balance Luzon (64%) at Visayas (63%).
Ayon kay Presidential Adviser for Flagship Programs and Projects Vince Dizon – patunay ito na umuusad ang ‘Build Build Build’ Program ng pamahalaan.
Ang survey ay isinagawa mula December 3 hanggang 8 ngayong taon.