Halos 70-k contact tracers, naipakalat na sa buong bansa

Nasa 69,098 na mga contact tracer na ang nai-deploy sa buong bansa bilang bahagi ng COVID-19 response effort ng pamahalaan.

Tungkulin ng mga contact tracer na hanapin ang mga nakasalamuha ng mga pasyenteng may COVID-19 at magbigay ng diagnostic, counseling at treatment sa mga magpopositibo sa sakit.

Ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG), nagdo-doble kayod ngayon ang 5,215 contact tracing teams para mapigilan ang pagkalat ng virus.


Hinihintay din ng ahensya na maaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang proposal nito na mag-hire ng 50,000 contact tracers para mapaigting ang tracing efforts.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, hanggang nitong July 17, nasa 98.2% na ang contact tracing capacity ng bansa.

Sa 48,371 na COVID-19 cases, 47,474 dito ang na-trace ng contact tracing team gayundin ang 161,975 close contacts ng mga pasyente.

Nakapagrehistro naman ng 100% contact tracing capability ang MIMAROPA, Regions V at IX, Caraga at BARMM habang 99% ang Cebu City.

Facebook Comments